Sunday, October 11, 2009

Mas Matinding Pagsubok

Manny "Pacman" Pacquiao Latest News from philboxing.com Sun, 11 Oct 2009

BAGUIO CITY—Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan. Kinukumusta ko kayong lahat lalung-lalo na ang mga lubos na naapektuhan ng baha at landslide sa maraming lugar sa Luzon dulot ng dalawang magkasabay na bagyong Ondoy at Pepeng.

Gaya ng dati, nakikiramay ako sa inyong lahat, doon sa mga naulila at sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay. Sa mga bikitima ng pagkalunod at mga landslide, nawa ay mabigyan kayo ng isang disenteng burol. Doon sa mga kababayan kong nawalan ng mga bahay dala na rin ng tubig-baha, sana ay mailikas kayo sa isang lugar na hindi mapeligro at ligtas.

Nararamdaman ko ang inyong kalungkutan, iyong mga magsasakang inanod ang kanilang mga alagang hayop o di kaya ay inabot ng tubig ang kanilang mga palay na sana ay aanihin na lang sa mga panahong ito. Doon sa mga taong stranded dahil hindi pa makalusot kahit ang malalaking sasakyan, kaunting tiis pa. Sa mga ibang taong gustong magsamantala sa sitwasyon ng kahirapan, sana ay mag-isip-isip naman kayo at magbigay kayo ng kaunting puwang sa inyong mga puso. Sa mga taong may kakayahan na tumulong, sana ay kapit-bisig tayo sa pag-alalay sa ating mga kababayan na nangangailangan...

Read Full Story...

0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Ferrari Cars. Powered by Blogger