Monday, October 19, 2009

Paghahangad sa Espesyal na Record

Manny "Pacman" Pacquiao Latest News from philboxing.com Sun, 18 Oct 2009

BAGUIO CITY—Magandang umaga, tanghali o gabi sa inyong lahat, saan man kayo datnan ng aking pagbati. Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako naman po ang inyong kukumustahin, okay na okay po ang aking kundisyon at handing-handa na ako sa susunod kong laban na nakatakda sa Nov. 14.

Apat na linggo na lang ang nalalabi at mainit na bakbakan ang magaganap muli sa loob ng malawak na MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas kung saan ay makakasagupa ko si Miguel Cotto, ang pambato ng Puerto Rico. Lalong umiinit ang laban habang lalong papalapit kami sa araw ng kampeonato para sa World Boxing Organization welterweight title at ang World Boxing Council diamond belt, na kapwa nakataya. Para sa akin, espesyal ang dalawang sinturon na ito at lubos akong inspirado na makamit pareho ang mga ito.

Bukod sa paghahangad na makuha ang dalawang sinturon na ito na parehong prestihiyoso, mayroon pang isang katangi-tanging bagay na gusto kong makamit. Iyan ay ang ikapito kong championship sa ikapitong weight class na aking pinagdaanan mula pa noong ako ay nagsimulang lumaban noong ako ay labing-anim na taong gulang may 14 na taon na ang nakakalipas...

Read Full Story...

0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Ferrari Cars. Powered by Blogger