Saturday, October 17, 2009

Isang Buwan Na Lang

Manny "Pacman" Pacquiao Latest News from philboxing.com

BAGUIO CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat, mga minamahal kong mga tagasubaybay, tagahanga, kaibigan at kababayan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Opo, isang buwan na lang ang bibilangin at magkakasubukan na kami ng lakas, bilis at talino ni Miguel Angel Cotto, ang kampeon mula sa Puerto Rico na aking makakaharap sa November 14, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Excited na akong lumaban ulit.

Nandito pa rin kami sa Baguio City at maganda naman po ang takbo ng pagsasanay namin upang paghandaan ang mas malaki at mas malakas na welterweight champion ng World Boxing Organization. Salamat naman at medyo humupa na ang mga pag-ulan kaya naman nakakatakbo na ako sa umaga. Minsan, dahil sa baha at bagyo dito sa Summer Capital ng Pilipinas, napilitan akong mag-swimming na lang sa pool sa loob ng hotel kapalit ng jogging sa umaga. Hindi naman po masama ang swimming, bagkus ay maganda at kumpletong exercise din ito kaya naman walang complaint ang aking training team sa pangunguna ni coach Freddie Roach at sila Buboy Fernandez, Nonoy Neri at Alex Ariza.

Dumating din ang dalawa pang sparring partner na pumalit kay Urbano Antillon at tutulong kay Shawn Porter sa pagsasanay namin upang mapag-aralan lalo ang estilo ni Cotto...

Read Full Story...

0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Ferrari Cars. Powered by Blogger