Thursday, October 8, 2009

Kasiyahan sa Pagtulong

Manny "Pacman" Pacquiao Latest News from philboxing.com Thu, 07 Oct 2009

BAGUIO CITY -- Kumusta po kayong lahat mga minamahal kong tagasubaybay at mambabasa ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo ito. Kasalukuyan pa rin akong naghahanda para sa susunod na laban sa November 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kontra sa welterweight champion na si Miguel Cotto.

Patindi na nang patindi ang ensayo at kulang-kulang na sa 40 araw bago ang laban, kaya naman seryosong training na ang nasa isipan ko. Kahit na lubos na mahirap ang training ay kailangan kong lusutan ang lahat ng pagsubok upang ako ay magiging 100 percent na handa pagdating ng takdang araw.

Nasa isipan ko palagi ang lahat ng aking mga kababayan at diyan nanggagaling ang ilan sa mga inspirasyon upang lalo kong mapag-ibayo ang pagpupursigi na maihanda ang aking katawan at isipan upang labanan ang isang dambuhalang kalaban mula sa Puerto Rico.

Kahit na nasa gitna na kami ng training, hindi naman ako nakakalimot sa mga kababayan kong naghihirap ngayon dahil na rin sa epekto ng bagyong si Ondoy na nanalasa sa maraming bahagi ng bansa. Pagkatapos ng isang araw ng training ay kumukuha ako ng impormasyon mula sa mga tao na tumutulong sa mga taong naapektuhan ng sakuna noong isang linggo...

Read Full Story...

0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Ferrari Cars. Powered by Blogger